Sunday 9 October 2011

Teks

Ang Patuloy na Paglaganap ng Wikang Teks
Ervin Francis B. Seguir
Corinthian V. Mingo
Mohammad Tamer H. Hussin
MKAT 116
Ika-10 ng Oktubre, 2011
  
Panimula
Ang Wikang Register o “Sociolinguistics” ay isang baryasyon ng wika na may kaugnayan sa taong nagsasalita o gumagamit ng wika. Ito rin ay mas madalas na nakikita o nagagamit sa isang partikular na disiplina. Sa panahon natin ngayon, ito ang palagi nating ginagamit sa pagsasalita at pakikipag-usap sa ibang tao. Dahil tumatakbo ang panahon at kasabay nito ang pagdami ng mga taong may iba’t ibang konsepto, paniniwala, at kultura. Ang mga taong ito ay mayroong sariling wika na sila-sila lamang ang nakakaunawa at ginagamit nila sa pakikipagtalastasan. Ang mga wikang ito ay mga wikang register. Ang “Jejemon” at “Fliptop” ay iilan sa mga halimbawa nito.
Malaki na ang pinagbago ng panahon natin ngayon, ito ang panahon na kung saan ang makabagong teknolohiya ang nagpapatakbo ng ating buhay. Napakalaki ng impak ng teknolohiya ngayon sa larangan ng komunikasyon, maraming nang mga gadyet at mga websayt sa internet ang naiimbento upang maging mabilis at madali ang daloy ng impormasyon. At kapag sinabi kong mabilis at simple, hindi ako nagloloko. Dito papasok ang wikang register na napili aming grupo, ang patuloy na lumalaganap na Wikang Teks o “SMS Language.” Ito ang termino na ginagamit sa pagdadaglat at mga salitang balbal na karaniwang ginagamit dahil sa kinakailangang kaiklian ng pagmemensahe sa teks. Ang Wikang Teks ay ginagamit rin sa mga usap-usapan at “e-mail”. Ilan sa mga halimbawa nito ay “Were na u?” at “D2 na me”. Halos araw-araw nakikita natin ang wikang register na ito, kaya nagiging bahagi na ito ng takbo ng ating pamumuhay. Dahil din dito, lumaganap na ang iba pang wikang register, partikular na ang Jejemon. Ang layunin namin sa pag-aaral na ito ay kung paano nakaapekto at nakaimpluwensya sa ating lipunan ang Wikang Teks lalo na sa mga taong mahilig sa pagteteks at pakikipag-usap-usapan.
Katawan
            Nagsagawa kami ng isang pagsisiyasat sa mga estudyante ng FEU Makati simula ika-6 hanggang ika-7 ng Oktubre, 2011. Ang pagsisiyasat na ito ay hinati namin sa dalawang bahagi. Ang unang bahagi ay binubuo ng pitong tanong, anim sa mga ito ay masasagot lamang ng “oo” at “hindi” at ang huling tanong ay pagpapaliwanag na maaari nilang sagutin o hindi. Ginamit namin ang mga ito sa pagtukoy ng mga estudyanteg gumagamit at/o nakakaunawa ng Wikang Teks. Madalas na ginagamit ang Wikang Teks sa “cellphone” at “Facebook”, kaya isinama namin ito sa unang bahagi ng pagsisiyasat, partikular na sa unang tanong. Narito ang datos (sa porsyento ng mga nagsabi ng “oo” at “hindi”) na aming nakalap:
Bilang ng mga estudyanteng katugon: 15
Katanungan
OO
HINDI
1) Gumagamit ka ba ng cellphone at/o ng Facebook?
15/15 = 100%
0/15 = 0%
2) Madalas ka ba nagteteks at/o nakikipag-usap-usapan sa iyong mga kaibigan at kapamilya?

13/15 = 87%

2/15 = 13%
3) Nakakakuha ka ba ng mga tugon mula sa iyong mga kaibigan at kapamilya sa teks at/o usap-usapan na may mga salitang sa tingin mo ay hindi mauunawaan dahil sa pagkabaybay niyon?

12/15 = 80%

 3/15 =20%
4) Nauunawan mo ba ang mga tugon ng iyong mga kaibigan at kapamilya sa teks at/o usap-usapan?

13/15 = 87%

2/15 = 13%
5) Pinapadali mo ba ang iyong mga tugon sa teks at/o usap-usapan sa pamamagitan ng pag-iiba o pagpapaikli ng baybayin ng mga salita?

7/15 = 47%

8/15 = 53%
6) Sa iyong palagay, maraming tao ba ang gumagawa ng gawain sa ika-5 bilang?

13/15 = 87%

2/15 = 13%

            Ayon sa talaan sa itaas, lahat ng mga estudyante ay gumagamit ng cellphone at Facebook. At alam natin na kapag gumagamit tayo ng mga iyon, nagteteks tayo at nakikipag-usap-usapan sa ating mga kaibigan at kapamilya, kung makikita natin sa talaan. Karamihan sa mga estudyante ang nakakatanggap at nakakaunawa ng mga tugon mula sa kanilang mga kaibigan at kapamilya na may mga salitang hindi basta-bastang mauunawaan. Mas mababa kaysa sa kalahati ang bilang nilang nagpapaikli ng kanilang pagteteks at usap-usapan gamit ng pag-iiba ng pagkabaybay ng mga salita. At marami sa kanila ang nagsasabing maraming tao ang nagpapaikli ng kanilang pagteteks at usap-usapan.
            Sa ika-7 katanungan ng aming pagsisiyasat, “Sa inyong palagay, bakit kaya patuloy ang paglaganap ng Wikang Teks simula noong umusbong ang panahon ng teknolohiya hanggang ngayon?” karamihan sa mga sumagot ang nagsasabing patuloy na lumalaganap ang Wikang Teks dahil madali itong gamitin sa pakikipagtalastasan nila sa ibang tao.
Ang ikalawang bahagi ng aming pagsisiyasat ay binubuo ng sampung akronim at kailangang tukuyin kung ano ang kahulugan ng mga iyon ayon sa kanilang kaalaman. Maaaring hindi sagutan ang ilan sa mga akronim kapag hindi alam kung ano ang kahulugan ng mga iyon.  Nagkaroon kami ng ganitong pagsisiyasat upang matukoy namin ang pagkaunawa ng mga estudyante sa Wikang Teks at upang makakalap kami ng karagdagang datos. Narito ang datos (sa porsyento ng mga tama, mali at walang sagot) na nakalap namin:
Bilang ng mga estudyanteng katugon: 7
Akronim
Tamang sagot
Mali o Walang sagot
1) OTW
7/7 = 100%
0/7 = 0%
2) BTW
7/7 = 100%
0/7 = 0%
3) JWU
3/7 = 43%
4/7 = 57%
4) IDK
7/7 = 100%
0/7 = 0%
5) IKR
7/7 = 100%
0/7 = 0%
6) ILY
7/7 = 100%
0/7 = 0%
7) IMY
7/7 = 100%
0/7 = 0%
8) LOL
7/7 = 100%
0/7 = 0%
9) LMAO
7/7 = 100%
0/7 = 0%
10) ROFL
6/7 = 86%
1/7 = 14%

Ayon sa talaan sa itaas, lahat ng mga estudyante ang nakakuha ng tamang sagot sa karamihan sa mga akronim na sinagot nila. Subalit, dalawang akronim lang ang hindi itinama ng lahat.
            Ang mga estudyante ng FEU Makati ang aming naging mga katugon dahil bilang mga kabataan, marami silang alam pagdating sa pagteteks at usap-usapan at upang maging mabilis ang pangangalap namin ng datos.
Konklusyon
            Batay sa mga datos na aming nakalap, mahihinuha namin na napakalaki ng epekto at impluwensya ng Wikang Teks sa ating pamumuhay. Dahil umano sa patuloy na pag-usbong ng teknolohiya, patuloy pa rin ang paggamit ng mga tao sa Wikang Teks bilang isa sa mga pinakamadali at pinakamabilis na paraan ng paglalahad ng mga impormasyon.
Rekomendasyon
            Upang mas lalong mapaunlad ang aming paksa, maaaring isagawa ang pagsisiyasat sa mga taong may kasanayan na sa Wikang Teks, lalo na sa mga mahihilig magteks at gumamit ng mga websayt sa internet katulad ng “Facebook”. Maaari ring magsagawa ng pakikipanayam sa kanila upang mas lalo pa nating malaman ang kanilang mga konsepto at gawain na makakatulong sa pangangalap ng datos. Bukod pa dito, maaari ring makipanayam sa mga taong gumagamit ng Jejemon, dahil halos magkahawig ito ng Wikang Teks, para sa mas magandang mga resulta.

Bibliograpi
Agha, A. (2007). Language and social relations. New York: Cambridge University Press.
Blot, R. (2003). Language and social identity. Connecticut: Greenwood Publishing Group.
Cooper, R. (1989). Language planning and social change. New York: Cambridge University Press.
Finegan, E. (2008). Language: Its structure and use. United States of America:  Michael Rosenburg.
Fitch, K., & Sanders, R. (2005). Handbook of language and social interaction. New Jersey: Routledge.
Frederick, R., & Smith, V. (1935). Social language: An introductory course for foreign                                                  language. New York: Inor.
Holtgraves, T. (2001). Language as social action: Social psychology and language use. New Jersey: Routledge.
Peccei, J., Singh, I., & Thomas, L. (1999). Language, society and power: An introduction. United States of America: Routledge.
Sapir, E. (1921). Language: An introduction to the study of speech. New York: Dover.
Thornbury, S. (1997). About language. United Kingdom: Cambridge University Press.